Skip to content

Repleksyon tungkol sa “Di Mo Masilip Ang Langit.”

November 26, 2012

“Ewan ko naman kung me langit nga sa labas. Hindi na ‘ko bilib sa langit, pare. Matagal na ‘kong kinalimutan ng Diyos.” Sinasalaysay ng mga linya na ito ang buhay at kwento ng panguhanahing tauhan. Para sa kanya, wala na siyang pag-asa at hindi na siya tinutulungan. Sa lahat ng mga sitwasyon, masama na lang ang nangyari sa kanya kaya sa tingin niya hindi na niya masilip ang langit. 

Nakita ko sa kwento na ito kung gaano kahirap ang buhay ng ibang tao sa mundo. Nakita ko rin ang epekto ng lipunan sa buhay ng isang tao. Lahat naman tayo ay mayroong magandang intensyon sa buhay pero mayroong mga panahon kung saan lumalabo ang ating pananaw at nakakagawa tayo ng masasamang bagay. Sa aking tingin, dapat hindi tayo mawalan ng pag-asa sapagkat bilog ang mundo, at darating din ang panahon kung saan magtatagumpay tayo. Hindi rin dapat tayo magpaapekto sa masasamang gawain ng iba upang hindi lumabo ang ating pananaw sa buhay.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: