Skip to content

Ikaklit Repleksyon

November 16, 2012

Sa kwento ni Ikaklit, maraming mga katotohanan sa buhay na ipinakita. Sa pagbabasa ng kwentong ito, nakaramdam ako ng iba’t ibang damdamin. Sa una, medyo nagulat ako noong sinabi na mayroon siyang dalawaing ina, pero noong punta siya sa paaralan at hinusga siya at pinagtawanan ng kanyang mga kaklase, nakaramdam ako ng kalungkutan at galit. Buti na lang hindi niya pinatulan ang kanyang mga kaklase at buti na lang at handa ang kanyang dalawang nanay at alam nila na darating din ang araw kung saan tatanungin sila. 

Ang sitwasyon ni Ikaklit ay nangyayari araw-araw, hinuhusga ng mga tao ang ibang tao ukol sa pinakamaliit na pagkakaiba. Mali ito at dapat baguhin ng mga tao ang kanilang pananaw. Lahat tayo ay tao pa rin kahit mayroon tayong kaunting pagkakaiba kaya dapat natin itrato ang bawat isa ng pare-pareho. 

Pinapakita rin ng kwentong ito ang importansya ng mga magulang sa buhay ng mga bata. Importante ang papel ng mga magulang sapagkat wala pang masyadong alam ang mga bata at kailangan nila ang akay ng kanilang mga magulang.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: