Skip to content

“Hindi Perpekto Ang Buhay”

August 31, 2012

“Hindi Perpekto Ang Buhay”

 

Ang buhay ay hindi perpekto at magkakaroon tayo ng magkakaroon ng mga problema at isyu na kailangan harapin sa buhay. Hindi mawawala ang mga iba’t ibang hamon sa buhay sapagkat ito ang nagbibigay ng kulay sa ating mga buhay. Mahirap baguhin ang isang tao, lalo na ang isang bansa sapagkat mayroon talagang tao na matigas ang ulo. Ang magagawa lang ng isang tao ay gawin ang lahat ng makakaya niya sa kanyang buhay sa mundo at ipasa ang kanyang misyon sa susunod na henerasyon. Ginawa ni Jose Rizal ang lahat ng kanyang makakaya pero, batay sa tula ni Amado V. Hernandez, hindi pa tapos ang kanyang misyon.

 

SInasabi sa sulat ni Amado V. Hernandez na hindi pa tapos ang misyon ni Jose Rizal sapagkat mayroon pa ring mga taong hindi tapat at hindi pa nabuksan ang mga mata sa katotohanan. Sinasabi rin niya na mayroong mga taong bumalik sa kanilang nakaraang sarili at mga maling gawain. Ipinapakita niya na ang nangyayari ay ang kabaligtaran ng gusto ni Jose Rizal. Ipinapalabas din niya na kailangan ng Pilipinas si Jose Rizal o isang matinong pangulo na susundan ng mga tao. 

 

Tama si Amado na hindi pa rin maayos ang sitwasyon dito, pero dapat niyang maiintindihan na mahirap samahin ang lahat ng tao at gawing mabuti. Kahit sa kasalukuyan, mayroon pa ring mga taong hindi tapat at gumagawa ng gulo. Iba’t ibang eksena ang nangyayari araw-araw, at iba-ibang tao ang nasasaktan. 

 

Halos lahat ng mga problema at isyung panlipunan sa tula ay nakikita pa rin sa kasalukuyang panahon. Maraming tao ang hindi sumusunod sa batas at kabaligtaran pa nga ang ginagawa. Lalo na ang bagong henerasyon at mga kabataan na walang ingat at taros sa buhay. Kung anu-ano na lang ang ginagawa nila; hindi nila iniisip na sila ang kinabukasan ng mundo. Sila ang aasahan kapag tama na ang oras.

 

Ang mga kabataan din ngayon ay mahilig pumasok sa iba’t ibang relasyon at hindi pinag-iisipan ang kanilang ginagawa. Minsan, binebenta na lang nila ang kanilang katawan at sila ay ginagawang laruan na lang. Binibigyang-diin nito ng manunulat sa taludtod 13-16, kung saan sinasabi niya na ang mga babae ay nagpapabaya. Ito ay masama sapagkat marami sa kabataan ay hindi pa handa pumasok sa isang relasyon at iako ng responsibilidad. Nakakalungkot ito sapagkat, kung naalala ninyo pa sa sinulat ni Jose Rizal na liham sa mga Dalaga ng Malolos, nais pa naman ni Jose Rizal na maging masresponsable ang mga dalaga at ang mga babae at magkaroon ng kamalayan sa kanilang tungkulin sa buhay.

 

Mahihinuha naman natin sa mga taludtod na 17-20 na ang edukasyon ay mayroong mabuti at masamang epekto sa bayan. Ito ay dahil kung hindi ginagamit ang edukasyon sa tamang paraan, lalong nagkakagulo sa mundo. Ginusto ni Jose Rizal na maging edukado ang mga Pilipino upang tayo ay magkaisa at gamitin ang ating kaalaman sa pag-unlad. Sa masamang palad, ang kabaligtaran ang nangyayari batay sa tula.

 

Sa taludtod 17-20, ipinabalabas ng manunulat na dumami ang marunong pero lalong sumama ang sitwasyon. Nakakapagtaka talaga kung bakit lalong humirap ang bayan. Siguro, ito ay dahil lalong nagkakagulo sapagkat maraming tao ang namamarunong at hindi na sila nakikinig sa ibang tao. Dahil dito, wala na ang pagkakaisa at kanya kanya na ang mga tao. Ebidente pa rin ito sa kasalukuyan kung saan naglalaban-laban ang mga tao upang makuha ang kapangyarihan. Mayroon pa ngang mga tao na sinasaktan ang ibang tao upang makuha lamang ang gusto nila. Malaki ang epekto rin nito sa mga ordinaryong tao sapagkat hindi na nila alam kung sino dapat ang sundan nila. Malamang, magkakampihan ang mga tao at mag-aaway na lang. Ito ay reresulta sa madugong digmaan at mahirap makabangon muli rito. Imbis na umunlad ang bayan, naghihiwalay ang mga tao.

 

Maraming iba’t ibang sanhi ang mga problema sa buhay kaya mahirap malutas ang lahat ng mga problema na ito na ganun-ganun lang. Maraming mga parte ang kailangan tingnan at mahirap kontrolin ang bawat tao. Ang isang halimbawa ay ang katiwalian sa gobyerno. Alam naman ng marami na isa ito sa pinakamalaking problema sa Pilipinas, pero bakit hindi natin ito napipigil? Ito ay dahil mahirap maghusga at magpasiya kapag hindi sapat ang ebidensya. 

 

Nakikita natin ang kapangyarihan ng gobyerno at ang mataas ang posisyon sa mga taludtod 21-24 ng tula. Sinasabi rito na ang mga bayani ngayon ay laging busog at makisig. Pinapalabas ng manunulat na ang mga makapangyarihan na dapat tumutulong sa mga mahihirap ay nagpapataba lamang at naninirahan sa isang mapaggasta na buhay. Dahil inaabuso nila ang kapangyarihan, lalo silang yumayaman at ang mga mahihirap naman ay lalong humihirap. Itong isyu rin ay napakalinaw sa librong Noli Me Tangere. Ipinakita talaga ni Jose Rizal ang pag-aabuso ng mga Kastilla at Padre sa mga Pilipino. Nakikita sa Noli kung paano ginamit ng mga Padre ang rehilyon upang yumaman at kunin ang pera ng mga tao. 

 

Kahit ang lahat ng mga isyu at problema ay bumabalik ulit at hindi nawawala, sa aking opinyon, nagawa ni Jose Rizal ang kanyang misyon. Masasabi ko, na gamit ang kanyang mga sinulat, nagawa ni Jose Rizal pagalingin ang kanser noong panahon niya, at ang mga bagong isyu ay dapat tayo na ang humarap at gumawa ng paraan. Sa aking opinyon, nagtagumpay na si Rizal sa kanyang misyon sa “Sa Aking Inang Bayan.” Ang problema lang, kung bakit gusto ng manunulat na bumaba ulit si Rizal sa lupain, ay nakalimutan na ng mga tao ang mga aral na iniwan ni Rizal sa atin. Magaling ang ginawa ni Rizal sa paglaban sa Kastilla at sa pagbukas ng ating mga mata sa katotohanan, pero na sa nakaraan na iyon. Nagawa na niya ang kailangan niyang gawin, responsibilidad na natin ang kasalukuyan. Na sa atin na kung gagawin natin ang tama at kung itutuloy natin ang misyon ni Jose Rizal. 

 

Lahat ng mga isyung panlipunan ay mayroong koneksyon. Ang bawat problema sa ating buhay ay nakakaapekto sa bawat tao sa iba’t ibang paraan. Magkakaroon din ng panahon kung saan lahat tayo ay mawawalan ng isang importanteng bagay o tao sa buhay dahil sa ating pagkawalang-taros. Huwag na natin hintayin umabot pa sa ganun, gumawa na tayo ng paraan at magkaisa ang bawat tao. Mahirap umunlad ang isang bayan kapag ang mga tao ay iba’t iba ang pinagpapaniwalaan. Huwag na tayo magreklamo, wala itong magagawa sapagkat hind talaga perpekto ang buhay. Simulan na lang natin ang pagbabago sa ating mga sarili at baka matanto ng iba na kailangan natin ng magkaisa at magbagong buhay upang umunlad ang ating bayan.

 

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: