Skip to content

Repleksyon tungkol sa Nangyari sa Agosto 7-10, 2012

August 13, 2012

Noong nakaraang linggo, tinamaan ang Pilipinas ng malakas na bagyo at ulan galing sa monsoon. Maraming tao ang naapektuhan at marami ring taong nasaktan. Sa mga pangyayaring ito, marami akong natanto tungkol sa aking buhay. Dahil walang pasok sa nakaraang linggo, marami akong oras sa aking kamay. Sinubukan ko gamitin ang aking oras sa mabuting paraan. Sa mga unang araw, nag-aral ako at ginawa ko na ang aking mga kailan gawin dahil hindi ko naman inakala na walang pasok sa buong linggo. Noong nalaman ko na wala ng pasok sa buong linggo, sinamahan ko ang aking nanay sa SM hypermart at bumili kami ng mga pagkain para ibigay sa mga naapektuhan sa baha. Sa susunod na araw, pumunta ako sa Xavier at tumulong sa relief operations. Nagulat ako at napakaraming tao ang dumating upang magtulong at marami ring taong nagbigay ng iba’t ibang gamit para sa mga naapektuhan ng malakas na ulan.

Noong sabado na, lumabas na ang araw at wala ng ulan. Dahil dito, naghanda na ako para sa Lunes, at ginawa ko na ang lahat ng aking mga assessments na kailangan na sa susunod na linggo. Nagpapasalamat ako sa Diyos na hindi ako nasaktan at buo pa rin ang Pilipinas. Sa aking tingin, ang mga pangyayaring ito ay nakakatulong sa pag-unlad sa bansa sapagkat nagtutulong-tulong ang lahat ng tao kapag mayroong kalamidad na ganito.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: