Skip to content

3rd Quarter Filipino Carolling

December 13, 2011

Ibang klase talaga ang 3rd Quarter. Iba’t ibang mga gawain ang pinapagawa ng mga guro araw-araw. Dahil sa bilis ng Quarter na ito, mahirap gawing maganda ang mga proyekto sapagkat sabay sabay ang pagbigay sa amin ng mga guro.

Nang marinig ko na kailangan namin kumanta at mag “carolling”, inisip ko kaagad kung paano ko ito gagawin. Magaling ako magsulat pero hindi ako ganoon ka galing kumanta at wala akong masyadong alam sa musika. Buti na lang, ang proyektong ito ay pangkatang gawain at nagkaroon ako ng magagaling na miyembre sa aking grupo.

Dahil hindi ako ganoon ka galing sa pagkakanta, ginalingan ko na lang ang paggawa ng aking tula. Sinigurado ko na pwede ito kantahin at maganda ang tugma nito. Swerte ako at ang mga kagrupo ay magaling sa musika at nagagawa kaagad sila ng tono para sa kanta namin.

Dahil marami kaming mga ibang proyekto at pagsusulit sa ibang subject, hindi kami nakahanda ng ganoon katagal. Swerte kami, at maganda naman ang kalabasan ng aming “carolling” kahapon. Sinabi lang namin sa aming mga sarili na lakasan at maging masaya sapagkat malapit na ang Pasko. Pagkatapos ng aming “carolling”, masaya kami na nabawas na ang aming kailangan gawin sa linggong ito.

Malapit na ang pasko at kaunting tiis na lang, bakasyon na ulit, hindi na ako makapaghintay.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: