Skip to content

Tunay na Kagandahan

October 12, 2011

Tunay na Kagandahan

Ang bawat bansa sa mundo ay kakaiba. Mayroon ang bawat bansa ng mga katangian na binibigyan ng kasiyahan ang mga tao sa mga bansang ito. Ang mga bagay na ito ay pinagmamalaki ng mga taong nakatira roon. Ito ay dahil ipinapakita nito ang katangian ng mga tao. Masasabi ko na ang mga bagay tulad ng lugar, gamit, katangian, personalidad at iba pa na matatagpuan sa isang bansa ay linalarawan at sinisymbolo ang mga bansa, pati na rin ang mga taong nakatira rito.

Bilang isang Pilipino, pinagmamalaki ko ang aking bansa at gusto ko maipakita ang aking pagmamahal. Buong buhay ko nakatira ako sa Pilipinas pero may pagkakataon din kung saan nakapunta ako sa ibang bansa. Dahil dito, alam ko kung gaano ka espesyal ang Pilipinas at kung gaano ka ganda ang mga bagay dito. Ibang klase talaga ang bansang ito, kaya gusto ko ipakita rin sa iyo kung gaano ka ganda ang Pilipinas.

Ang Pilipinas ay isang bansang walang kapareho. Masakit na pakinggan kapag may taong naninira nito at kapag may taong hindi alam ang kagandahan ng Pilipinas. Hindi ko alam kung bakit kumpara sa mga bansang USA, Canada, Europe, China, Singapore, walang nagsasalita tungkol sa kagandahan ng Pilipinas. Sinusulat ko itong “blog post” upang maiparating sa mga tao, Pilipino at mga taga-ibang bansa, ang kagandahan ng Pilipinas.

Uunahin ko sa pagsasabi na, napakaganda ng mga tanawin sa Pilipinas. Napakalawak ng mga katawan ng tubig sa bansang ito. Dahil ang bansang ito ay isang “Archipelago” na mayroon 7107 na isla, marami itong magagadang tabing-dagat. Dati walang masyadong taong pumupunta sa mga “beach” na ito, pero paunting-unting dumadami ang mga taong pumupunta sa mga tabing-dagat na ito.

Ang isa sa pinakamagandang tabing-dagat sa Pilipinas ay ang Boracay. Sinasabi na nga ng ibang tao na isa ito sa pinakamagandang tabing-dagat sa mundo. Ito ay dahil sa puting buhangin na mayroon nito. Kadalasan kapag may “Celebrity” na dumarating sa Pilipinas, ang boracay lang ang pinupuntahan. Talagang pinaganda na rin ang mga kapaligiran nito. May iba’t ibang “resort” na at hotel na nagbibigay buhay sa lugar na ito. Noong dumating nga ang mga NBA players na galing sa Amerika, bugod sa paglalaro ng basketbol, pumunta lang sila sa Boracay at nagsaya roon.

Pumupunta rito ang mga tao galing sa ibang bansa, hindi lang dahil sa kagandahan ng mga tanawin, pero dahil din sa kabutihan at kagandahang loob ng mga tao na nakatira rito. Ang mga tao na nakakapunta rito ay sinasabi na parang na sa “hometown” pa rin sila sapagkat napakaganda ng pagtrato sa kanila. Sabi nga ni Kobe Bryant, “The Philippines is like my second home.” Dahil ganito ang mga tao sa Pilipinas, pagkatapos ng unang beses na pumunta ka rito, sigurado ako na gugustuhin mo bumalik.

Sa lahat naman ng mga bansa may espesyal na pagkain na hindi dapat palagpasan kapag dumalaw ka sa ibang bansa. Kung ang Roast Duck ang sa China, ang Adobo ang sa Pilipinas. Sa kasalukuyan ang roast duck ay nahahanap na kahit sa ibang bansa pero ang Adobo ay mahirap hanapin sa ibang bansa. Dahil dito, ang Adobo ay hindi dapat palagpasan. Ibang klase ang lasa at “texture” nito. May iba’t ibang klaseng halo ang pwedeng lutuin at tikman. Diyan magaling ang mga Pilipino sa paggagawa ng iba’t ibang timpla ng pagkain. Masasabi ko, magaling talaga ang Pilipino sa pagpapaganda ng mayroon nila.

Alam ko na marami na akong nasabi at naipakita sa inyo pero kung hindi pa sapat ang mga ebedensya na ito, masisigurado ko sa inyo na pagkatapos nito, iba na ang tingin ninyo sa Pilipinas. Ang huling bagay na gusto ko makilala niyo ay isang personalidad sa Pilipinas. Kung hindi mo pa kilala ang sasabihin kong personalidad, hindi ko na alam kung saan ka noong mga nakaraang taon. Ang taong ito ay ang pambansang kamaog ng Pilipinas. Siya ay kinakatakutan kapag lumalaban pero kapag hindi siya lumalaban, siya ay isa sa pinakamagaling na Pilipino. Siya ay si Manny “Pacman” Pacquiao.

Sinisimbolo ni Manny Pacquiao ang Pilipinas at ang lahat ng tao sa Pilipinas. Ipinapakita niya ang katangian Pinoy at ang katutuhanan na magaling ang Pilipino. Gamit ng kanyang kagalingan sa boxing at ibang klaseng tiwala sa sarili, nagawa niyang palitan ang tingin ng iba sa bansang Pilipinas. Iniidolo siya ng lahat ng tao, hindi lang ang mga tao sa Pilipinas pero pati na rin sa ibang bansa. Akalain mo ba, kahit ang mga NBA players na dumating sa Manila ay naghingi ng autograph ni Pacquiao. Masasabi mo talaga na, kahanga-hanga ang Pilipinong ito.

Maraming nagsabi na hindi magtatagumpay ang mga Pilipino pero binaliwala niya ito. Ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya at hindi sumuko. Araw araw, kahit mahirap ang kanyang pamilya at marami siyang problema, naghirap pa rin siya at nagsikap upang maabot ang kanyang pangarap. Isa siyang halimbawa ng “rags to riches” sapagkat nagawa niyang bumangon sa baba patungo sa pinakataas.

Hindi lang niya nakamit ang kanyang pangarap, binigyan din niya ng inspirasyon ang mga Pilipino na walang imposible sa buhay. Pinakita niya sa atin na ang sapat na pagsisikap ay nakakatulong sa pagkakamit ng ating pangarap. Sa simpleng salita, binigyan niya ang Pilipinas ng isang taong mapagmamalaki.

Tunay na espesyal ang Pilipinas. Maraming mga bagay ang matatagpuan lamang dito. Nasisigurado ko kung pupunta ka sa Pilipinas, hindi ka magsisi. Bugod sa mga lugar dito, sigurado akong makakakilala ka ng mga mababait na tao na tutulong sa iyo sa hinaharap. Natutunan nga natin sa buhay ni Pacquiao na kailangan natin gawin ang lahat ng ating mga makakaya sa ating buhay. Maikli lang ang ating buhay kaya kailangan natin palawaking ang ating mundo at kunin ang bawat oppurtunidad na darating sa ating mga buhay. Puntahan na ang Pilipinas upang masabi mo na nakapunta ka na sa isa sa pinakamaganda at kakaiba na bansa sa mundo!

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: