Skip to content

Ang Pagbagsak Ang Aking Lakas

August 12, 2011

Ang Pagbasak Ang Aking Lakas

           Ang pagkamit ng tagumpay sa buhay ay pinaghihirapan. Ang bawat bata sa mundo ay mayroong mga pangarap na hinahabol nila sa buhay. Upang makamit ang mga pangarap na ito, kailangan gawin ang lahat ng makakaya araw araw. Kayo ay nasa isang parte ng buhay kung saan kailangan ninyo magdesisiyon kung ano ang mangyayari sa hinaharap ninyo. Mayroon akong isang karanasan kung saan nag-iba ang buhay ko at marami akong natutunan. Dahil gusto ko rin kayo ay magtagumpay sa buhay, ito ay ibabahagi ko sa inyo.

Paboritong-paborito ko talaga ang basketbol noong bata ako. Araw-araw naglalaro ako at sinusubukan gumaling. Katulad ng bawat bata, hindi pa ako ganoon ka seryoso sa mga araw na ito. Nang dumating ang Grade 6, nakapasok ako sa varsity at doon na aking simula ng aking “career.” Yun ang akala ko pero noong Grade 7, nasugatan (na-injure) ko ang aking tuhod. Napakasakit ng mga araw na ito. Hindi ako makatakbo ng maayos at namamaga ito pagkatapos ko maglaro. Kahit mahirap ang mga panahon na ito, ito ang mga panahon na naintindihan ko ang nagagawa ng pagbagsak sa buhay.

Nang na injure ako, wala ako masyadong paki sapagkat hindi ko pa ganun ka mahal ang basketbol. Pagkatapos ng mga unang araw, biglang nalungkot ako sapagkat hindi na ako nakakalaro ng maayos. Dahil dito, sinubukan ko talagang ayusin ang tuhod ko. Pumunta kami sa doktor at sinabihan niya ako na pumunta sa “rehabilitation center.” Pagpasok ko sa lugar na ito, walang akong masabi sapagkat puro matatanda ang nandun at ako lang yung bata pa lang. Nakakahiya talaga kaya hindi ako pumunta ng madalas dito. Dahil hindi ko sineryoso ito, hindi gumaling ng mabilis ang tuhod ko. Napakatagal bago gumaling ang tuhod ko at hindi na ako gumaling masyado.

Dahil hindi ako nakasama sa mga praktis ng koponan, noong dumating yung “try-outs” hindi na ako nakapasok ulit. Sabi pa ng coach sa akin, “Bakit ka kasi nawala bigla?” Sabi ko naman, “Nainjure kasi ako eh.” Sagot ng coach, “Sorry pero kailangan mo maging “committed” at hindi ka na magaling” Nang sinabi niya ito, nabigla ako at gusto ko na lang umiyak at hindi na maglaro ng basketbol pero inisip ko na kailangan ko ipakita sa coach na iyon, na mali siya na isarado ang pinto sa aking mga pangarap. Talagang napaisip ako pagkatapos ng itong pangyayari. Tinanong ko sa sarili ko kung handa ba ako gawin ang lahat para sa basketbol? Mahal ko ba ang larong ito? Kahit anong mangyayari, gagawin ko ba para lang gumaling sa paglalaro? Sa unang beses, hindi ko ito nasagot pero mayroon akong nabasang istorya na binigyan ako ng lakas.

Ang istoryang nabasa ko ay hinding hindi ko makakalimutan. Ito ay isang istoryang nasa ulo ko palagi at binibigyan ako ng pag-asa. Ang istoryang ito ay ang buhay ni Michael Jordan. Alam naman natin na siya ang pinakamagaling na manlalaro sa basketbol sa buong mundo pero siya rin ay natangal sa “varsity” noong nasa mataas na paaralan. Ang kakaiba sa kanya ay hindi siya sumuko, kundi ginamit niya lamang ito bilang aral at motibasyon gumaling. Ngayon siya na ay iniidolo ng halos lahat ng tao sa mundo.

Nangmabasa ko ang istoryang iyon, sinagot ko ang lahat ng tanong na inilahad ko sa sarili ko at nagsimula na ako magsanay at gumaling. Naghanap ako ng mga “training program sa internet” at sinundan ko ito. Sinimulan ko na rin kumain ng tama at iwasan ang mga masasamang bagay para sa katawan (tulad ng “softdrinks” at “chips”). Natulog na rin ako ng maaga araw-araw. Lahat ng ito ay ginawa ko upang makamit ang aking pangarap.

Kahit nahihirapan na ako at tumutulo na ang aking pawis, tuloy pa rin ako sapagkat alam ko na hindi ko pa nakakamit ang pangarap ko na maging ang “pinakamagaling sa mundo” at ipakita sa coach na iyon na mali siya na tanggalin ako at tanggalin ang aking pag-asa. Kahit mayroong mga araw na hindi ko na kaya at tinatamad na ako, nagsisikap pa rin ako dahil alam ko balang araw, bubunga rin ang mga buto ng aking paghihirap.

Ang araw na tinanngal ako sa “varsity” ay isang araw na hindi ko talaga makakalimutan. Ito ang nagbibigay ng motibasyon sa akin para maglaro at magsanay araw-araw. Natutunan ko na mayroon talagang mga oras kung saan babagsak tayo at maghihirap pero kung tayo ay sisikap sa mga oras na ito, makakamit natin ang ating mga pangarap. Tingnan niyo ngayon, isa na akong “professional” basketbolista.

Kung mayroon kayong mga pangarap, kailangan niyo itong sundin. Mayroon ngang mga mahihirap na oras pero kung tayo ay magpupursige at gagamitin ang mga oras na ito bilang ating lakas at inspirasyon, magagawa natin ang impossible. Sabi nga ni Michael Jordan, “Failure gave me strength and pain was my motivation.” (sa Pilipino ito ay “Pagbagsak ang nagbigay sa akin ng lakas at ang sakit ang aking motibasyon.”) Totoo talaga ito sa buhay kung saan hindi tayo palagi nasataas at kung saan babagsak din tayo. Ang nasa atin lamang ay kung ano ang gagawin natin at kung ibibigay natin ang ating buong lakas sa paghahabol na ating mga pangarap.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: