Skip to content

Importansya ng Bakasyon (Sanaysay)

August 4, 2011

Importansya ng Bakasyon
ni David Ongchoco

Kakatapos lang ng H1 at ibang klase ang pakiramdam na Summer na. Naghirap kami at ginawa namin ang aming makakaya noong H1, kaya karapatdapat lang na makapag “relax” kami sa summer break. Sa summer na ito, marami akong karanasan na hindi ko makakalimutan.

Nang magsimula ang summer 2011, napakasaya ko sapagkat makakasama ko ang aking kaibigan at pamilya mag “relax”, laro at magsaya. Sa unang araw pa lang ng summer break, pumunta na kami ng aking mga kaibigan sa Ronac upang maglaro ng basketball. Sobrang saya talaga dahil lahat kami ay nagtawanan lang habang naglalaro. Pagkatapos ng dalawang oras ng paglalaro ng basketball, pumunta kami sa Charlies at kumain. Nagkwentuhan din kami kung ano ang gagawin namin sa mga susunod na buwan.

Pagkatapos ng unang araw, ako ay natulog at nag”relax” lamang sa bahay ko. Masasabi ko sa mga unang araw ng break na ito, ako ay naging isang “coach potato.” Dumating din ang araw kung saan pupunta kami sa Canada. Paborito ko talaga ang Canada at nakapunta na ako roon maraming beses na. Swerte ako at paborito rin ito ng aking magulang kaya parati kami dinadala roon. Napakalamig at napakalinis sa Canada kaya paborito namin ito. Ang mga tao rin ay “laid back” kaya nakaka “relax” kami roon. Ang pangit lang sa pagpunta sa Canada ay ang haba ng biyahe kaya minsan nakakahilo pero ibang klase rin ang pagbiyahe sa areplano kaya masaya pa rin ako.

Pagkatapos ng 14 hours, nakarating na rin kami sa Vancouver, Canada. Pagkalabas pa lang namin sa airport, naramdaman na namin ang lamig at sarap ng hangin. Sabik na sabik na ako makapunta ulit sa “Hotel-apartment” sapagkat nakuha namin ang kwarto na ginamit namin noong pumunta kami rito noon. Parang walang nagbago at pareho pa rin ang lahat. Parang 2nd home ko na ito. Nang maka “unwind” na kami, pumunta na kami sa mall at kumain. Ibang klase talaga ang pagkain sa Canada. Mayroon ito ng ibang klaseng “texture”. Sarap na sarap kami at nabusog kami kaya umuwi na kami at natulog. Sa mga sumusunod na araw naglakwatiya na kami at pumunta sa iba’t ibang lugar sa Canada.

Ang isang karanasan sa Canada na hindi ko makakalimutan ay ang pagnood ng isang hockey game. Sabik na sabik na kami ng aking mga kapatid na manood. Sabi nga ng aking ama, “Para masabi na isa tayong tunay na Canadian, kailangan natin manood ng isang hockey game.” Ibang klase talaga ang hockey sa Canada. Ang daming taong nanonood at nagsosoporta sa hockey. Nang magsimula na yung laro, hindi ko napigilan na sumigaw at soportahan din ang koponan ng Vancouver. Nang manalo na ang Vancouver, binigyan kami ng mga “giveaways.” Ibang klase talaga yung karanasan na ito at hindi namin makakalimutan ito. Marami pa kami ginawa at pinuntahan. Ibang klase talaga ang magbakasyon sa ibang bansa. Kakaiba talaga ang karanasan na ito. Ang mga binaghagi ko ay ilan lamang sa mga ginawa namin.

Pagkatapos ng isa pang linggo, pumunta kami sa Los Angeles at Las Vegas. Ginusto kasi ng tatay ko bisitahin ang kanyang kapatid na nakatira sa Los Angeles. Gusto rin namin mapanood ang Lakers. Sabik na sabik na ako makita ang aking pinsan at panoorin si Kobe Bryant. Napakasaya ng aking pinsan nang makita niya kami. Ilang taon na rin nakalipas nang huli kaming nakita. Kumain kami sa labas at nagkwentuhan. Nang magkwentuhan kami napa-isip tuloy ako kung gaano kabilis ang ating buhay. Parang ilang taon pa lang nakalipas nang mabuhay ako sa itong mundo. Natutunan ko na mabilis ang buhay at panahon kaya huwag natin sayangin ang ating buhay. Totoo talaga ito sa ating mga buhay kung saan hindi dapat tayo magsayang nga araw sapagkat hindi tayo nabubuhay ng ganun ka tagal. Upang hindi tayo magsisi, gawin na ang makakaya at ipakita na ang pagmamahal sa mga importateng tao sa iyong buhay.

Nang dumating yung araw kung saan kailangan na namin umalis parang nakulangan kami ng araw. Mayroon kasi mga ilang araw kung saan nasa apartment lang kami at wala kami nagawa at nasa “apartment” lang kami. Sayang talaga yung mga araw na iyon at hindi kami naka “explore” pa ng husto. Sa mga araw na iyon kung saan hindi kami naka “explore” ng husto, may sinabi ang tatay ko na hindi ko makakalimutan. Kailangan din natin ng mga araw magpahinga at mag “reflect.” Ang mga araw na ito ay kung saan nakakapagbigay tayo ng oras sa ating pamilya at sa Diyos. Kahit hindi nga kami naka “explore” ng husto, nakapahinga kami at nakabigay kami ng oras sa aming kapamilya at sa Diyos. Natutunan ko na ang mga bakasyon na ganito ay hindi lamang pang “explore” at pumunta sa tindahan, kundi oras kung saan makakapahinga, pag-isipin at magpasalamat sa lahat ng bagay sa ating buhay na binibigyan tayo ng kasiyahan.

Ito talaga ay isang summer na hindi ko makakalimutan. Marami pang nangyari pero baka hindi na ito matapos pero sa mga sinulat ko, masasabi ko na may natutunan ako sa bakasyon na ito at hindi ako nagsaya lamang. Dapat talaga nating bigyan ng oras ang ating kapamilya at ang diyos. Sa buong taon, sobra tayong “busy” at minsan nakakalimutan na natin ang mga importanteng bagay sa buhay kaya ang mga bakasyon na ito ay dapat gamitin ng mabuti at husto.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: