Skip to content

Liham para sa Magulang

February 2, 2012

Mahal kong, Nanay at Tatay,

Bawat araw sa aking buhay, tinulungan ninyo ako at ibinigay ninyo sa akin ang aking mga gusto. Karamihan sa mga hiningi ko, binigay ninyo at palagi ninyo akong iniisip. Alam ko mahirap magtrabaho at mag-ipon ng pera, kaya nagpapasalamat ako ng buong puso. Ngayong nasa high school na ako at dalawang taon na lang bago ako pupunta sa colegio, gusto ko pag-usapan ang pag-aaral sa ibang bansa.

Palagi ninyo akong sinasabihan na dapat ako ay magsikap sa aking pag-aaral at dapat ibigay ko ang aking lahat. Ngayon, gusto ko sana mag-aral sa ibang bansa at palakihin ang aking mundo. Hindi lahat ng tao ay mayroong sapat na pera at hindi lahat ng taong ay nakakakuha ng ganitong oppurtunidad, kaya sana payagan ninyo ako. Isang beses lang ako magiging estudyante, kaya gusto ko gawin ang aking lahat upang maging masaya ang panahon ko sa college.

Marami akong bagong matututunan at makililalang tao sa ibang bansa. Bukod doon, mas maganda ang edukasyon sa ibang bansa at mas maraming opportunidad ang makukuha ko. Kung natatakot man kayo na mag-isa lang ako, huwag na kayo matakot sapagkat isa itong opportunidad na lumaki bilang tao at maging mas responsible. Pinalaki naman ninyo ako ng mabuti kaya huwag na kayong kabahan, hindi naman ako gagawa ng gulo sa ibang bansa.

Ito talaga ang nasa aking puso. Handa ako mag-sakripisyo at gawin ang lahat upang ito ay mangyari. Walang mawawala kung susubukan ko ito at malay ninyo, makakagawa rin ako ng mabuti. Kung papayagan ninyo ako, sisiguraduhin ko na ako ay magsisikap upang balang araw, maibalik ko sa inyo ang inyong kabaitan.

Inyong anak,
David Ongchoco

About these ads
No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: